De Lima umaming naging bf at ginastusan si Ronnie Dayan: Pinagkatiwalaan ko siya!

leila de lima

O, DI ba at paikot-ikot lang talaga ang mga nababasa at napapanood nating balita?

Balik-eksena na naman si Sen. Leila de Lima na napaamin nga ni Mareng Winnie Monsod sa kanyang programa sa GMA News TV tungkol sa ilang detalye sa kanyang personal na buhay.

Ayon sa kontrobersyal na senadora, yung pagiging sobrang malapit daw niya sa dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan ang naging dahilan kung bakit siya nakipagrelasyon dito.

“We became so close. That’s it. I trusted him. Siyempre, naano po ang loob ko,” ani De Lima.

“For years,” ang naging sagot nito sa tanong kung gaano sila katagal na nagka-affair, kabilang na noong panahong Justice Secretary pa siya. Halata namang malalim ang naging involvement ni De Lima sa nagtatago ngayong driver-bodyguard niya at mukhang updated din siya sa mga kaganapan sa buhay nito.

Inamin din ng senadora na binibigyan niya ng financial assistance si Dayan, pero mariin niyang itinanggi na siya ang gumastos sa pagpapagawa ng bahay nito.

Pero as usual, tila may pagka-selective lang ang memorya niya at kung ano lang ang gusto niyang sabihin ang kanyang idinedetalye. Pero inamin niyang nakipag-break siya kay Dayan bago pa siya tumakbong senador.

Sa pag-amin kaya niyang ito ay makaiskor siya ng positive rating mula sa publiko na nag-aabang sa malateleserye niyang buhay at political career?

Ay, bigla tuloy naming naalala ang isang movie ni Nora Aunor noon, ang “Naglalayag.” Magaling na fiscal ang role ni Ate Guy sa pelikula na naanakan at nakarelasyon ng isang taxi driver played by Yul Servo, na isa na ngayong nirerespetong congressman.

And take note ha, kapwa sila mga tubong-Iriga City. Mga Bicolanang successful sa kanilang mga napiling career pero matatawag na bulag at baliw sa pag-ibig sa totoong buhay. Ha-hahaha!

Read more...