Matteo pinu-push ni Sarah na karirin na ang pagkanta

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDECLLI

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDECLLI

MAS natsa-challenge si Matteo Guidicelli na karirin ang kanyang pagiging singer kapag may mga namba-bash sa kanya.

Inamin ng binata na kung minsan ay naaapektuhan din siya kapag nilalait ng netizens, “Siyempre sometimes, we’re all humans. All those bashers out there we get affected but I think you guys are the reason why we push harder.

“I believe any successful person will go down and fall before they rise up. These are all challenges we have to surpass,” sey ni Matteo sa isang panayam. Ilan daw sa mga sinasabi ng bashers sa kanya ay, “Trying hard daw ako, ganyan, walang karapatang maging singer.”

Isa sa mga nagpu-push sa kanya na ipagpatuloy ang pagkanta ay ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo. Laging sinasabi sa kanya ng Pop Princess na kahit siya’y naba-bash sa social media, pero natutunan na niyang tanggapin na hindi lahat ng tao ay mapapaligaya niya.

May pagkakataon daw na sinasagot din ni Matteo ang bashers, “Minsan. But it’s a joke. I mean I don’t treat it seriously. I just laugh about it sometimes.”

Read more...