Jona patutunayan ang pagiging halimaw sa 'Queen of the Night' | Bandera

Jona patutunayan ang pagiging halimaw sa ‘Queen of the Night’

Ervin Santiago - November 16, 2016 - 12:10 AM

jona

WALA pang isang taon matapos tumuloy sa kanyang bagong tahanan sa ABS-CBN, iba’t ibang tagumpay na ang nakuha ng power belter na si Jona.

Kabilang na sa mga ito ang pag-awit ng theme song ng isang Kapamilya teleserye (We Will Survive), ang maging interpreter sa “Himig Handog P-Pop Love Songs 2016”, at ang maging bahagi ng Birit Queens ng Sunday musical show na ASAP.

Maituturing ngang “blessed” si Jona dahil kamakailan ay pumirma na siya ng 2-year contract sa Star Music at Star Magic. Present sa contract signing sina Star Music head Roxy Liquigan, na self-confessed Jona fan, Star Music audio content Jonathan Manalo, na super bilib sa galing at talento ni Jona bilang singer, ang Star Magic handler niyang si Love Capulong at co-manager niyang si Arlene Meyer.

Sa kasalukuyan, busy si Jona sa pagre-record ng kanyang album na malapit nang mapakinggan ng kanyang mga tagahanga, “I’m very happy. Mas inspired pa ako to do my work here in ABS-CBN. Parang nag-umpisa na po talaga ang lahat,” ani Jona sa ipinatawag na presscon ng Star Music para sa dalaga.

Inamin ng dalaga na makalipas ang walong buwan bilang Kapamilya, napakarami nang pagbabago na nangyari sa kanyang career, inilarawan pa niya itong “very colorful.”

“Ang dami kong first time na nagawa since I transferred sa ABS-CBN. Nag-cover ako ng theme song (ng teleserye). First time sa ASAP stage, first TFC with Ma’am Charo Santos-Concio in Spain. First time din akong kumanta ng Star Cinema theme song for Kathryn Bernardo at Daniel Padilla movie. First time nakasama sa ‘ASAP Live In New York,'” kuwento ni Jona.

Bilang isang Kapamilya, matutunghayan na rin si Jona sa kanyang unang solo concert, titled “Queen of the Night: Jona” na gaganapin ngayong Nob. 25 sa KIA Theater.

Dito muling patutunayan ni Jona ang kanyang pagiging Birit Queen kasama ang kanyang special guests na sina Jed Madela, Daryl Ong, at ang kanyang idol na si Regine Velasquez-Alcasid.

“Marami po kaming pasabog sa concert, lalo na yung inihanda namin with Ms. Regine, sobrang excited po ako na makakasama ko uli siya on stage, pati na rin sina Jed and Daryl. And siyempre po, ito’y para talaga sa mga loyal fans ko na hindi bumitaw, nandito pa rin sila,” sey pa ni Jona.

Ang “Queen of the Night: Jona” ay sa musical direction ni Soc Mina at stage direction ni Marvin Caldito, choreography by Joe Abuda ng The Addlib dance crew. Yes, bukod sa pagiging halimaw on stage, ipakikita rin ni Jona na marunong din siyang humataw bilang dancer.

Mabibili na ang tickets sa Ticketnet outlets, call lang kayo sa 911-5555 o bumisita sa ticketnet.com.ph. Ang “Queen of the Night: Jona” ay ipinrodus ng Star Events, Big Eyes Events & Productions, at Creative Media Entertainment. Co-sponsored naman ito ng PLDT HOME.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending