Cast members ng Encantadia parang tunay na pamilya

encantadia sanggres

TULUY-TULOY pa rin ang mga maaaksiyon at madadramang eksena sa GMA Telebabad fantasy series na Encantadia.

Tutukan ang paglaban ng grupo nina Amihan (Kylie Padilla) laban sa mga kampon ni Hagorn (John Arcilla). Napaghandaan nila ang pagslusob ng mga kaaway dahil na rin sa babala ng hangin.

Nalaman din ni Hitano (Pancho Magno) mula kay LilaSari (Diana Zubiri) na nilusob na nina Hagorn ang kuta ni Amihan kaya agad niya itong sinabi kay Pirena (Glaiza de Castro). Kumilos kaya si Pirena para iligtas si Alena?

Patuloy namang hinahanap nina Muros at Aquil si Alira na nanganganib ang buhay dahil patuloy ngang nilalason ni Ether ang diwa nito.

Mas lalo namang magpupumiglas si Alena at magmamakaawa kay LilaSari na patakasin siya nang malamang kasama ni Hagorn si Kahlil sa digmaan.

Ngayong alam na ni Lira ang kasaysayan ng Encantadia matapos ikuwento ni Imaw gamit ang tungkod nito, ano na ang susunod niyang gagawin? Yan ang dapat n’yong abangan sa mga susunod na episode ng Encantadia na napapanood pa rin after 24 Oras.

Nakakatuwa ang mga artista sa Encantadia dahil feel na feel mo ang ganda ng relasyon nila sa set sa pamamagitan ng mga nakakatuwang video na ipinost nila sa social media.

Ang latest ngang ginawa nila na nag-trending sa Facebook, Twitter at Instagram ay ang Mannequin Challenge na patok na patok sa mga netizens.

Read more...