Naghain ng ethic complaint si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers laban sa kanyang kapwa kongresista na si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.
Ayon kay Barbers dapat maparusahan si Pichay dahil sa kanyang mga ginawa na may kaugnayan sa minahan sa Claver, Surigao del Norte.
“Mr. Pichay clearly falls in this category and, in the eyes of the public, he does not creditably reflect the good name and reputation of this august Chamber,” ani Barbers.
Sinabi ni Barbers na mayroon siyang mga dokumento upang patunayan ang kanyang mga alegasyon kaugnay ng maanomalyang transaksyon na pinasok ni Pichay upang maging may-ari ng Claver Minerals and Development Corporation.
“The misdeeds of Mr. Pichay does not simply involve propriety or impropriety of acts or conduct in parliamentary proceedings. They relate to serious culpable acts of graft and corruption abhorred expressly by the Constitution,” ani Barbers.
Sinabi ni Barbers na binili ni Pichay ang shares ng CMDC kay Fe Ligtas noong 2015. Pero mula 2002 hanggang 2006 ay naibenta na ito ni Ligtas sa Hervic Calo group at Ireneo Cesar group.
Nakagawa umano si Pichay ng paraan upang mapasakanya ang minahan ng nickel na pinagkakakitaan nito.
Nakakuha rin umano si Pichay ng permiso mula sa Mines and Geoscience Bureau noong Agosto 15 at 22 upang maibenta ang mineral ores na nagkakahalaga ng P86 milyon. Sa panahong ito ay kongresista na umano si Pichay at dapat ay wala na siyang interes sa CMDC.
“The misdeeds of Mr. Pichay does not simply involve propriety or impropriety of acts or conduct in parliamentary proceedings. They relate to serious culpable acts of graft and corruption abhorred expressly by the Constitution,” dagdag pa ni Barbers.
Kamakalawa ay nag-privilege speech si Barbers na sumentro sa mga maling gawain umano ni Pichay.
Tugon naman ni Pichay hindi dapat magtago sa likod ng parliamentary immunity si Barbers at luma na umano ang kanyang mga alegasyon.
MOST READ
LATEST STORIES