NAG-ALOK ang isang abogado ng P1 milyong pabuya kapalit ng impormasyon para maaresto ang dating driver at security aide ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Sa isang briefing, ipinakita pa ng abogadong si Ferdinand Topcio ang naka-bundle na tig-P1,000, na ayon sa kanya ay galing sa pitong negosyante.
“All roads [in the House probe on the illegal drug trade in New Bilibid Prison] lead to De Lima, and all roads lead us back to Dayan. His valuable alive for his testimony,” sabi ni Topacio.
Nauna nang nag-alok ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng P100,000 pabuya para kay Dayan.
Kumpiyansa si Topacio na magiging masigasig ang mga importante para ituro ang kinaroroonan ni Dayan. Inquirer
MOST READ
LATEST STORIES