Singson dinalaw sa ‘Vigan taping’ si Lovi

lovi poe at ronald singson

MULING nagkrus ang landas ng ex-couple na sina Lovi Poe at former Ilocos Sur Rep. Ronald Singson.
Pinatunayan ng dating magkarelasyon na kahit naghiwalay na sila ilang taon na ang nakararaan ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan.

Nagkita ang dalawa sa Vigan, Ilocos Sur sa mismong taping ng GMA Telebabad series na Someone To Watch Over Me na pinagbibidahan ni Lovi at ni Tom Rodriguez. Ayon kay Lovi, dinalaw talaga siya ng dating boyfriend sa nasabing lugar para makapag-bonding kahit paano.

Naunang nag-post si Singson ng litrato nila ni Lovi sa Instagram na kuha nga sa set ng STWOM, nilagyan pa niya ito ng nakakaintrigang caption na: “Hmmmm…why do I keep on bumping into you (Lovi)? Nakakahalata na ako! Hahaha!”

Ipinost din ng Kapuso actress ang kaparehong larawan na may mensaheng: “Why hello there!!?? Taping in Vigan and this guy decided to drop by. #ViganAgain!”

Isa pang IG photo ang nakita namin sa account nina Lovi at Ronald na may caption na: “Look who decided to visit Vigan! May ‘The Escort’ na ako, may ‘Someone to Watch Over Me’ pa! #ViganTaping!”
Ayon sa ilang komento ng netizens, natutuwa sila na makita ang mag-ex na on speaking terms pa rin kahit na hindi nag-work ang relasyon nila noon.

Sey naman ng isang fan ni Lovi, “Sana makita rin namin sila uli ni Rocco Nacino na okay pa rin kahit nag-break na sila. At sana magbalikan na lang sila, sayang sila!”

Read more...