BAKIT kaya pinagtatawanan nang ubod-lakas ng isang tropa ng mga machong kalalakihan ang mga pinagsasasabi ng isang hunk actor? Ano kaya ang dahilan?
Habang nanonood kasi ng TV ang grupo ay saka naman umere ang interview ng hunk actor sa isang show ng kanilang network. Todo ang pagsasabi ng male personality na mahal na mahal niya ang isang young actress.
Naghagalpakan ang tropa sa kanyang sinabi, ayaw nilang paniwalaan ang mga emote ng male personality, ano nga ba ang kuwento tungkol du’n?
Kuwento ng aming source, “Kasi nga, hindi kapani-paniwala sa kanila ang mga emote ni ____ (pangalan ng hunk actor). Kasi nga, madalas siyang makitang namamalengke nang walang basket sa teritoryo ng mga machong lalaki, ganern!
“Simple lang ang kadramahan niya, pero kapag naglalagi ang isang lalaki sa isang grupo na puro kalalakihan, ano ba ang ibig sabihin nu’n?
“Hindi naman niya kilala ang kahit sino sa grupo, wala naman siyang kaibigan du’n, isang becki lang ang kasa-kasama niya na ang ending, e, Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw) pala!
“Ano ‘yun, basta napunta lang siya sa lugar na ‘yun? Biglaan lang ang lahat? Sa laki ng Pilipinas, e, du’n siya biglang napadpad? Kaya talagang pagtatawanan nga siya sa mga pinagsasasabi niya sa interview!” humahalakhak na kuwento ng aming impormante.
Matagal nang kinukuwestiyon ang gender ng nasabing male personality, palaging pinagdududahan ang kunu-kuno’y pagmamahalan nila ng isang young actress, gamit na gamit niya kuno sa publicity ang babaeng walang kamalay-malay sa mga pinaggagagawa ng kanyang partner.
Huling reaksiyon pa ng aming source, “Naku, ‘no! Magpakatotoo na lang kasi siya, huwag na siyang nagdadrama pa dahil wala namang naniniwala sa mga sinasabi at ginagawa niya!
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, lagyan n’yo ng X ang pangalan niya! ‘Yun lang!” pagtatapos ng aming impormante.