Mariel nanganak na; baby papangalanang Maria Isabella

 

NANGANAK na si Mariel Rodriguez sa una nilang anak ni Robin Padilla.

Papangalanan ng mag-asawa ang batang babae na si Maria Isabella.

Hindi naman nakasama ni Mariel ang asawa sa panahon na siya ay nag-labor hanggang sa makapanganak sa Amerika.

Bago ito,  mabilis kumalat sa social media ang isang video kung saan mapapanood ang pag-uusap ng mag-asawa.

Sa nasabing video, kinumpirma ni Binoe na nakatakdang nang ipanganak ng kanyang asawa ang kanilang panganay na si Isabella.

Maririnig sa video si Mariel na nagsasabing, “Isabella’s head is already low. Today is November 13 here.

Isabella is the one who decides, not anyone else. It’s Isabella, not the doctor, not anyone, not me, not you, not anyone, it’s Isabella. She said now. I woke up from the pain.”

Dugtong pa ng TV host-actress habang maririnig ang impit na pag-iyak, “I don’t think I’m going to survive without a med, it’s too painful!”

Nag-sorry naman si Robin kay Mariel dahil hindi na nga nito nagawang sumunod sa Amerika dahil bigo pa rin siyang makakuha ng US visa.

Ani Robin kay Mariel, “Babe, I’m sorry wala ako diyan,” na sinagot naman ng kanyang misis ng, “It’s okay.”

 

 

Read more...