Adamson Soaring Falcons palaban pa sa twice-to-beat

Mga Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. UE vs FEU
4 p.m. Adamson vs Ateneo

NAPANATILING buhay ng Adamson University Soaring Falcons ang tsansa nitong mahablot ang No. 2 spot na may twice-to-beat advantage matapos durugin ang National University Bulldogs, 77-53, sa kanilang UAAP Season 79 men’s basketball tournament game Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bunga ng panalo, umangat sa ikatlong puwesto ang Adamson katabla ang Far Eastern University Tamaraws sa 8-5 karta at isang laro ang agwat sa likod ng kasalukuyang nasa No. 2 spot na Ateneo de Manila University Blue Eagles, na may 9-4 record.

Mula sa 14-13 iskor sa unang yugto, biglang rumagasa ang opensa ng Soaring Falcons sa mga sumunod na yugto tungo sa tambakang panalo.

Si Papi Sarr ang namuno sa Soaring Falcons sa itinalang 22 puntos at 15 rebounds.

Read more...