Prince Stefan nag-sorry kay Aljur: Nilandi ko siya, pero walang nangyari, promise!

aljur abrenica at prince stefan

NILINAW ni Prince Stefan na hindi talaga niya nakita ang pagkalalaki ni Aljur Abrenica nang sabay silang mag-bathtub noong Starstruck days nila sa GMA. Kaya lang daw niya nasabi na regular size lang si Aljur ay dahil hindi ito “tinayuan”. At wala naman daw siyang sinabing maliit ang kay Aljur.

Nakachika namin si Prince kahapon sa presscon ng “Working Beks” at sinabi nga niya na nag-sorry na siya kay Aljur dahil sa isyung kumalat tungkol sa “notes” nito. Aniya, totoong nagkasabay sila sa bathtub at nag-try siya na landiin si Aljur. Pero nang maramdaman ng dyowa ni Kylie Padilla na awkward na ang sitwasyon, umahon na raw ito kaya walang nangyari.

Tinext na raw niya si Aljur at ipinaliwanag ang kanyang side, pinadalhan din daw niya ng cake ang Kapuso hunk pero hindi pa raw sumasagot ang aktor. Sey pa ni Prince nagsisisi siya na sinagot pa niya ang tanong tungkol sa sukat na pagkalalaki ni Aljur. Pero huli na raw ang lahat kaya humingi na lang siya ng sorry sa Kapuso hunk.

Sa isang interview naman kay Aljur sinabi nito na baka “ugat” lang daw ang nakita ni Prince kaya nasabi nitong hindi kalakihan ang kanyang “merchandise”.

Samantala, excited na si Prince sa nalalapit na showing ng “Working Beks” dahil ito nga ang magsisilbing comeback project niya matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz. Gagampanan niya ang role ng isang bading na call center agent na walang ginawa kundi ang makipag-sex kung kani-kanino.

Pero agad nilinaw ni Prince hindi naman daw siya tulad ng karakter niya sa movie na puro sex lang ang laman ng utak. Meron daw siyang boyfriend ngayon at maligaya naman siya sa piling nito kaya hindi na siya naghahanap ng iba. Loyal din daw siyang partner kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang dyowa.

Read more...