Baon sa utang (2)

Sulat mula kay Kristine ng Larena Drive, taclobo, Dumaguete City
Problema:
1. Sa ngayon po ay may mabigat kaming problema ng mister ko, ang dami-dami naming mga pagkakautang. Nagsimula ito noong kami ay ikasal at nadagdagan pa ng nadagdagan noong magkasunod-sundo ang anak naming. Pangkaraniwang causal employee lang ako sa isang government agency, habang ang mister ko naman ay nagta-trabaho sa isang bangko bilang mensahero at maliit lang din ang suweldo.
2. Kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa ganitong sitwasyon ng aming buha, may pag-asa pa kaya kaming makaka-ahon sa mga pagkakaiutang? Kung makakaahon pa kami sa paanong paraan kaya? November 10, 1988 ang birthday ko at December 17, 1987 naman ang mister ko.
Umaasa,
Kristine ng
Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ay nagsasabing kailangang idesisyon mo ang pagbabago ng iyong kapalaran. Hindi ka dapat makuntento sa pagta-trabaho lang sa ngayon sa gobyerno. Sa halip kailangang makaisip ka ng ibang trabaho na magdadala sa inyo ng mas malaking income at ang ito ay ang pangingibang bansa.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing kung ngayon palang ay mag-aapalay ka na sa abroad, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2017, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Simula ngayon lagi kayong gumamit ng kulay na pula at dilaw. Ang mga kulay na ito ang hihigop ng mas maraming positibong kapalaran habang ito ay inyong ginagamit.
Huling payo at paalala:
Kristine ayon sa inyong kapalaran walang mangyayari sa kasalukuyang pamamasukan sa gobyerno, gayon din sa pamamasukan ng mister mo sa isang bangko, sa halip dapat na kayong mamulat sa katotohanan na ang kailangan ay ang lakas-loob na pangingibang bansa. Mag-aplay na kayo ngayong, upang pagsapit ng 2017, isa sa inyo ni mister ang makapangingibang bansa at maaari ding magkasabay pa kayo, na magiging paraan upang makabayad kayo sa mga pagkakautang, at ito rin ang magiging daan upang ganap ng tamasahin ng inyong pamilya ang isang maunlad ang future hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman.

Read more...