PARA sa mga naghahanap ng trabaho, pagkakataon nang samantalahin ang oportunidad na magkaroon ng trabaho bago pa matapos ang taong ito.
Kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Public Employment Services Offices (PESOs). May 29 job fairs ang isinasagawa ngayong Nobyembre.
Narito ang schedule ng job fairs ngayong Nobyembre:
November 4: Provincial Auditorium, Old Capitol Compound, Cabanatuan City;
November 5: San Jose Del Monte National Trade School, Brgy. Fatima V, Sapang Palay, City of San Jose Del Monte, Bulacan;
November 7: Covered Court, Municipal Compound, Poblacion, Hagonoy Bulacan;
November 8: Municipal Hall, Payao, Zamboanga Sibugay; Tagum New City Atrium, Brgy. Apokon, Tagum City; Talavera Gymnasium in front of Municipality of Talavera;
November 10: St. Martha Homes Covered Court, Batia, Bocaue, Bulacan;
November 11: LGU President Quirino Municipal Hall Compound; Jose Songco Gymnasium, Cangatba, Porac, Pampanga; City Gymnasium, Valencia City, Bukidnon;
November 12: Waltermart Pampanga;
November 14: Don Ruben Gymnasium; Gov. Ben Palispis Hall, Capitol, La Trinidad, Benguet;
November 15: Ateneo de Zamboanga University; Brgy. Dapdap Multipurpose Bldg. Madapdap Resettlement, Dapdap, Mabalacat City, Pampanga;
November 18: Capitol Lobby, Isulan, Soccsksargen; 3rd Floor Mess Hall, Iloilo City Hall, Iloilo City; 5th Floor Abanao Square, Baguio City;
November 19: Covered Court, Pandi Residence I, Brgy Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan;
November 23: Esperanza Gymnasium, Sultan Kudarat;
November 26: Bohol Cultural Center, CPG. Avenue, Tagbilaran City; Alturas Mall, Bohol;
November 28: SMX Convention Center, SM Lanang Premier, J.P. Laurel Ave., Davao City
Malaking tulong ito sa mga job seekers o mga naghahanap ng trabaho para makapagtrabaho bago matapos ang taon.
Pinaalalahanan naman ang mga aplikante na magdala ng mga kinakaila-ngang dokumento gaya ng resumé or curriculum vitaé; 2×2 ID pictures (have multiple copies for multiple applications); certificate of employment (for those who were formerly employed); diploma; transcript of records; at authenticated birth certificate.
Maaaring bumisita sa www.philjobnet.gov.ph/jobfair-schedule,
Director Dominique Rubia-Tutay
Bureau of Local
Employment (BLE)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.