Horoscope, November 12, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi mo na maibabalik ang nakaraan, kaya mas mainam na ituon ang isipan sa hinaharap. Ngayon pa lang paghandaan na ang parating na kapaskuhan. Sa pag-ibig, sa isang Cancer mo matatagpuan ang wagas at tunay na kaligayahan. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng pera habang ikaw ay nakapula. Mapalad ang 3, 6, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Bukod sa red buenas ang pink.

Aries – (Marso 21-April 19) — Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ngayong pa lang paghandaan na ang kapaskuhan. “Operation Malawakang Paglilinis” ang dapat na ipatupad. Sa pag-ibig kapag malinis na malinis na ang paligid puwede na uling mag-pahinga at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 7, 9, 19, 24, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Om.” White at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa dagdag na inobasyon sa lahat ng gawain mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang muling sumigla ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Isang nilalang nasa abroad ang magkakatulong sa prolemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa pag-ibig, tandaang walang malayo at malapit sa mga pusong nagmamahalan. Mapalad ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Neberius-Murmur-Furfur.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kailangang magkaroon ng sariling career at huwag umasa sa grasyang naggagaling sa ibang tao. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mapag-init, yayain ang kasuyo sa mga lugar na malamig ang paligid. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Silver at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings, bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas kayo ng shared account na hindi gagastusin kahit na ano ang mangyari. Mapalad ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Mga di inaasahang pangyayari ang magaganap! Isang Aquarius ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong mabuti at magpalit ng underwear! Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagiging makunat ang sikreto ng pagyaman, kundi ang pagiging mabait! Sa pag-ibig, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag magpa-abala sa lipuna, sa halip, magpatuloy ka lang ng magpatuloy upang lalo pang lumago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw – sa bandang huli magiging kayo pa rin. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Habang nagsisikap tuloy-tuloy na madodoble at lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag kimkimin ang sama ng loob. Kapag itinago ang galit, bigla din yang sasabog na makaka-apekto sa iyong negosyo at career. Sa pag-ibig, dagdag na romansa ang dapat sa halip na magalit sa kasuyong makulit. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Kebalam.” Orange at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Tama ang iniisip mong lumayo muna sa lipunan. Gastos lang ang mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmickan. Sa pag-ibig, imbis na makipag-sosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal at sa pamilya. Mapalad ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at beige ang buenas.

Read more...