Miss Silka 2016 kokoronahan na ngayong gabi

KIMBERLY WEBER

KIMBERLY WEBER

NGAYONG hapon na ang finals night ng Miss Silka Philippines 2016 na gaganapin sa New Glorietta Activity Center, Makati City kung saan maglalaban-laban ang 30 kandidata na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang magwawagi ay tatanghaling Brand Ambassadress ng Miss Silka at mag-uuwi ng P120,000 cash mula sa Cosmetique Asia bukod pa sa iba’t ibang produkto ng Silka.

Ang mga Asia Cosmetique ay binubuo nina Janssen Co, Jane Co, Hennie Yu, Leonardo Aquino, Timothy Chuongco, John Claveria, Jigs Jimenez, Claire Genova, Raessy Angeles, Gyn Lim at Myrtle Frantilla.
Ang mga kandidata buhat sa Mindanao ay sina Kirstine Cagadas, Samantha Colin Castro Sola, Katrina Ann Castaneda Johnson, Cahariss Manuel, Mona Berdejo, Erica Joyce Paulin Zayas, Hannah Canencia at Sharmaine Macrohon dela Cruz.

Ang mga rarampa naman mula sa Visayas ay sina Chainee May Ang, Cecille May Grupp, Luzenne Jones, Rufina Alea Ferrer Villanueva, Angelica Estrivello at Chelsea Fernadez.

Hindi rin magpapatalbog sa pakinisan ang mga galing sa South Luzon na kinabibilangan nina Glayzelle Ramos, Joyce Ann Nisola Magpantay, Jhyssy Jhyn Almario, Angela Carla Sandigan, Chariss Jedidiah Gusay, Sahara Wagner at Julie Ann Gil.

Narito naman ang mga kandidata mula sa North Luzon: Anie Uson, Princess Jeal Tanjueco, Kathleen Joyce Go, Glydel Espero, Paula Mel Karim Mangilit, Mary Ann Garcia Mungcal, Daphne Joy Abella, Jan Lian Claire Domingo at Caryll Jem Salonga Mamon.

Nagmarka sa amin ang kuwento ni Miss Cebu na dati raw ay hiyang-hiya siya sa kanyang balat (may eczema) kaya hindi siya masyadong lumalabas ng bahay. Kung saan-saan na raw siya nagpa-derma pero walang nangyayari. Hanggang sa gumamit na raw siya ng Silka lotion na siyang nagpagaling sa kanyang balat.
Anyway, nagsanib-puwersa ang Cornestone Entertainment at Cosmetique Asia para sa engrandeng coronation night ng Miss Silka 2016 to be hosted by Markki Stroem and model-author Bianca Valerio.
Magsisilbi namang special guest si Piolo Pascual, isa sa endorsers ng Silka at si Miss Silka 2015 Kimberly Weber na siyang magpuputong ng korona sa magwawagi.

Read more...