Cojuangco, Vargas handang humarap sa Senado

TILA magiging unang round sa boksing ang magaganap matapos kapwa nagpahayag ng kanilang pagnanais dumalo ang kampo ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Victorico “Ricky” Vargas at grupo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco Jr. sa isasagawang hearing ng Senate Committee on Sports na pinamumunuan ni Senador Manny Pacquiao.

Inihayag mismo ng spokesperson ni Vargas na si Chito Salud ang kagustuhan na dumalo sa inquiry habang sinabi naman ni Cojuangco sa isang radio interview ang pagnanais na dumalo.

“We would welcome a Senate probe on POC issues as it highlights two important reasons why Ricky Vargas is presenting an alternative leadership: greater transparency and accountability,” sabi ni Salud.

“We believe that it should be fairly easy for the POC to account for the public money it received from the PSC. What would be puzzling is if these funds have indeed remained unliquidated over the years.”

“The POC should publicly disclose how and where the money was utilized. And it should do so without further delay to allay growing concerns regarding non-transparency in its financial transactions. Basic norms of good governance demand this.”

Nais din nina Cojuangco na dumalo upang maipaliwanag nito ang kabuuang nangyari sa ibinibintang na paggasta sa P129-milyong pondo mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at ang kinukuwestiyon na proseso ukol sa diskuwalipikasyon sa eleksiyon ng pribadong ahensiya sa sports.

“We welcome it para may chance naman kami to explain the P129 million at disqualification issues,” sabi ni Cojuangco.

Wala pa naman eksaktong araw kung kailan gaganapin ang Senate inquiry.

Kagagaling lamang ni Pacquiao sa pagwawagi sa laban nito kontra Jessie Vargas.

Read more...