Baon sa utang

Sulat mula kay Kristine ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City
Dear Sir Greenfield,
May mabigat kaming problema ng mister ko—ang dami-dami naming mga pagkakautang. Nagsimula ito noong kami ay ikasal at nadagdagan pa nang nadagdagan nang magkasunod-sunod ang anak namin. Pangkaraniwang casual employee lang ako sa isang government agency habang ang mister ko naman ay nagtatrabaho sa isang bangko bilang mensahero at maliit lang din ang suweldo. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa ganitong sitwasyon ng aming buhay, may pag-asa pa kaya kaming makakaahon sa mga pagkakautang? Kung makakaahon pa kami, sa paanong paraan kaya? November 10, 1988 ang birthday ko at December 17, 1987 naman ang mister ko.
Umaasa,
Kristine ng
Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa pag-aabroad, kung hindi ikaw ay ang mister mo, tiyak ang magaganap—mas madali kayong makakaahon sa kahirapan at makakabayad sa mga pagkakautang.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Ten of Hearts at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dahil sa pagmamahalan ninyong mag-asawa ay hindi makapapanaig ang kabiguan. Sa sandaling kayo ay nag-aplay sa abroad sa susunod na taong 2017, isa sa inyong mag-asawa ang makapangingibang- bansa.
Itutuloy

Read more...