Si Cong napikon kay top official dahil sa ‘pagdiga’ sa GF

HINDI naitago ng isang mambabatas ang pagkairita nang siya ay biruin ng ilang kapwa kapartido sa pulitika makaraang malagay sa isang alanganing sitwasyon ang isang babaeng pulitiko na matagal nang iniuugnay sa kanya.

Sinabi ng ating Cricket na hindi nagustuhan ni Mr. Legislator ang ginawang pagbibiro ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa babaeng iniuugnay sa kanya.

Pero hindi rin nagustuhan ng mambabatas ang ginawang panunukso sa kanya ng ilang kapartido.

In short, ayon sa ating Cricket ay ayaw ni Cong na nakakaladkad sa publiko kung anuman ang relasyon na namamagitan sa kanila ng lady politician.

Mas gusto raw ni Cong na gawing pribado ang bahaging iyon ng kanilang buhay hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi maging sa future political plan ng kanyang “girlfriend” na pulitiko.

Alam din daw ni Cong na hindi lamang basta biro o panunukso dahil ang pakiramdam daw niya ay talagang kursunada rin ng top official ang kanyang kasintahan.

Hindi raw kumportable si Cong kapag nagkikita ang naturang dalawang pulitiko dahil alam niyang magpaparinig na naman ang tinutukoy nating top government official.

May ilang pagkakataon pa raw na ipinamomonitor ni Cong sa ilang mga dating kaalyado ang galaw ng dalawa.

Hindi lang pala praning kundi may pagkaseloso pa si Sir, ayon sa ating Cricket.

Hindi naman kasi pwedeng ipakita sa publiko ang kanilang tunay na estado dahil sa isyung personal at political.

Pero kundi lang sa nasabing mga bagay ay matagal na raw sanang nagsama ang dalawa dahil truly, madly in love raw ang dalawa sa isa’t isa.

Isa lang ang pakiusap ni Cong sa kanyang mga kaalyado at kaibigan at ito ay ang pagrespeto raw sa kanilang privacy.

Ang mambabatas na nairita sa ginagawang pandidiga ng isang top government official sa kanyang GF na pulitiko ay si Mr. B…as in Boy.

Read more...