Nathalie Hart game na game sa kama, tinuhog sina JC de Vera at Joel Torre

NATHALIE HART AT JC DE VERA

NATHALIE HART AT JC DE VERA

HINDI magkaibigan sina Nathalie Hart at JC de Vera kahit iisa lang ang kinabibilangan nilang talent management.

Mas feel ni Nathalie ‘yung ganoong set up nang sa gayon, diretso na sila sa work at wala nang sobrang chikahan bago sumabak sa trabaho.

Magkapareha sina JC at Nathalie sa Cinema One Originals Film Festival na”Tisay.” Meron din silang kissing scene at matitinding love scene sa movie.

“Suwerte ko na rin dahil nu’ng makatrabaho ko siya, it wasn’t the first time that I’ve kissed someone.

Ngayon, hindi naman sa sanay na sanay pero alam ko na kung paano dalhin ang eksena,” saad ni Nathalie sa pocket interview nila ng aktor.

Professional lang daw ang samahan nila ni JC. Hindi sila umabot sa puntong niligawan siya ng aktor, “Alam ko may girlfriend siya. Me? I’m single,” sabi pa ng seksing aktres.

Kapapanalo lang ni Nathalie sa International Film Festival-Manhattan sa New York bilang Best Actress para sa indie sex-drama movie niyang “Siphayo”. Hindi man niya siguradong mapapanalunan niya ang kaparehong acting award, sinisiguro niyang mananalo ng best film ang “Tisay.”

“Kasi pag alam mo kung gaano kagaling ang director mo at co-actors, meron ka. Makikita mo, eh. Ang ganda ng shots namin at ang galing ng director namin,” rason ni Nathalie. “He’s really great!” diin pa niya.

Mas magaling ba siya kay Joel Lamangan? “No! Hindi ako ang magsasabi niyan. Every director has his own style! Own execution, interpretation,” tugon niya.

May daring scenes din sila ni JC sa movie pero hindi kasing tindi ng ginawa niya sa “Siphayo”, “Drama eh at may love. Maiiyak ka,” katwiran ng seksing aktres.

Bukod pa yan sa love scene nila ng award-winning actor na si Joel Torre na gumaganap na lider ng sindikato. Meron pa raw silang bugbugan scene sa movie. Ibig sabihin tuhog ni Nathalie sina JC at Joel.

Dumalo si Nathalie sa IFFM para tanggapin ang acting award niya, at ngayong may acting award na siya, puwede na niyang ipagmalaki na isa na siyang aktres.

“It’s my first award so hindi na ako puwedeng sabihan na nagsisimula pa lang. Dati kasi sinasabing starlet. Bahala sila kung gusto pa rin nila. But for me kahit paano, may napatunayan na rin ako sa projects na ginagawa ako,” paliwanag ni Nathalie.

Kung meron mang maganda pang nangyari sa kanya sa IFFM, ‘yun ay ang pagkabighani sa kanya ng katuwang niyang Best Actor na hinanap pa siya sa Facebook at nagbigay ng message.

“Natawa ako kasi wala siya sa awards night. Nag-reply ako just to be nice! Natatawa lang ako. Eh, single naman ako. Friend na kami sa Facebook, pero hanggang dun lang ha,” sabi niya.

Sa pagkakaalam namin, taga-London ‘yung foreign actor pero isa itong Spanish.

Sa Nov. 14 na ang premiere ng “Tisay” sa Trinoma Cinema.

Read more...