Quezon niyanig ng magnitude 5 na lindol, Metro Manila inuga rin

NIYANIG  ng lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang Quezon kahapon at naramdaman ito hanggang sa National Capital Region.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
Naramdaman ang lindol alas-3:10 ng hapon. Ang sentro nito ay 24 kilometro sa kanluran ng bayan ng General Nakar.
May lalim itong 13 kilometro at ang sanhi ay ang paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity V paggalaw sa General Nakar.
Intensity IV naman sa Antipolo City.
Intensity III sa Quezon City, Marikina City, Manila, Makati City, Tarlac City, at San Juan City.
Intensity II naman sa Taguig City at Mandaluyong City.
Ang mga instrumento ng Phivolcs naman ay nakaramdam ng Intensity II sa Pasig City, Malabon City, Mauban sa Quezon at Cabanatuan City.
 
Intensity I naman sa Lucban sa Quezon, Tagaytay City, Guagua sa Pampanga, Malolos sa Bulacan, Muntinlupa City, at bayan ng Alabama at Gumaca sa Quezon.
Wala namang inaasahang napinsala ang pagyanig na ito.

Read more...