Cogie ‘papalitan’ si Tom bilang bagong ka-loveteam ni Lovi

cogie domingo

COGIE Domingo is back again! Sa totoo lang, umapir na siya noon sa isang GMA soap pero cameo role lang ‘yon.

Pero sa pag-appear ng aktor sa Someone To Watch Over Me, mukhang mahaba-haba na ang partisipasyon niya, siya ang irereto ni Tom Rodriguez kay Lovi Poe ngayong lumalala na ang sakit niya.

Kung matatandaan, si Cogie ang isa sa mga original partners noon ni Lovi nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Ilang beses na silang nagkasama sa GMA shows noon. At makalipas nga ang 10 taon, heto’t muli ngang magkakasama ang dalawa sa primetime soap ng GMA 7.

Kaya si Lovi, hayun at tuwang-tuwa sa reunion nila ni Cogie. Of course, everybody’s wishing na magtuluy-tuloy na ang pagbabalik sa showbiz ni Cogie na magaling ding artista.

Read more...