‘TROPS’ ng EB Baes bonggang regalo para sa mga millennial

trops

HINDI madali maging millennial. Madalas silang ituring na masipag at ambisyoso, ngunit mas maraming nagsasabing sila’y makasarili, tamad, mapusok – ang pinaka-spoiled na henerasyon sa kasaysayan.

Ang anim na “Baes” ng Eat Bulaga sa GMA late morning show na TROPS ay mga certified millennial, pero patutunayan nila ang galing at talento ng kanilang henerasyon.

Sina Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, John Timmons and Kim Last ang mga Baes, na produkto ng “That’s My Bae” ng Eat Bulaga noong 2015. Kasama rin dito ang 16-year-old na si Taki na unang sumabak sa drama series ng GMA na Calle Siete.

“This has been a dream come true, but we’re not resting in our achievements just yet. Since a year ago, we’ve been wanting to do something different, we’ve been waiting to show our talents,” sabi ni Kim, ang 19-year-old Filipino-British dancer na iniwan ang pag-aaral sa London para pumasok sa showbiz sa Pilipinas.

Sabi naman ni Kenneth, ang 25-year-old Bae ng Cebu, hindi sila nainip habang iniintay nila ang kanilang big break. “Hindi namin inexpect ito. Hindi namin deserve ito, pero may goal kami sa sarili namin na gagalingan namin at magiging idol kami ng mga kabataan.”

Swak para sa mga Baes ang TROPS, na kwento ng mga kabataan at ng kanilang mga problema bilang millennial. Ito ang makabagong “Bagets” nina Aga Muhlach noon, pero sa panahon ng Twitter, Facebook at Snapchat.

“Sa isang taon na yun, hindi natin maiiwasan yung may away. Normal sa isang grupo yun, e. Doon namin na-improve sa sarili namin kung paano masosolusyonan yung mga problema,” ani Joel, na iniwan ang kanyang trabaho bilang call center agent para matupad ang pangarap na maging artista.

Sey naman ni Jon, isang 22-year-old Filipino-Am, “The only competition is ourselves. So as long as we do better than yesterday, then that will bring us closer to the top. That’s all that matters.”

“Kaming mga Baes, sobrang close talaga kami, halos kapatid na kami kung magturingan. Every morning, nagse-share kami ng Bible verses para maging positive kaming palagi at maging masigla kahit pagod na,” sabi ni Miggy, 20.

Sulit ang paghihintay ng mga Baes. Pumalo mula 6.2 hanggang 6.4% ang ratings na nakuha ng TROPS sa unang linggo nito, sapat upang magdomina sa kanyang time slot.

“The night before our first day, hindi ako nakatulog ng maayos. Our call time was six in the morning, dumating ako ng five. Ganun kagrabe yung excitement ko,” sabi ni Taki. “Pero yung pressure is on all of us. A lot of people expect so much from us kasi they gave us this huge opportunity. So we really have to give it back to them and do our best.”

“But it’s a good pressure. Positive pressure. Ayaw namin magbigay ng bigat sa sarili namin, kasi baka hindi kami makapagtrabaho ng maayos,” sey naman ni Kenneth.

“Kahit may pressure, mino-motivate namin yung isa’t isa. Chini-cheer up namin yung isa’t isa para makagawa kami ng tama. Sa set, hindi kami naglolokohan. Kapag nasa taping kami, lahat kami nakatutok sa trabaho,” chika naman ni Tommy, ang 23-year-old Bae ng Bataan.

Mapapanood ang TROPS bago mag Eat Bulaga sa GMA 7.

Read more...