MASAYA kami siyempre sa pagkapanalo ni Sen. Manny Pacquiao sa bakbakan nila ni Jessie Vargas sa Las Vegas last Sunday.
Muli ngang nakakuha ng world title sa boxing si Pacman bukod pa sa nakapag-establish na siya ng record bilang bukod tanging lehitimong senador sa buong mundo na may world boxing championship title.
Mahirap nang tularan ang naturang record kaya’t kakaibang pride and honor ang na-feel namin siyempre para sa Pambansang Kamao.
Pero pinakanaaliw kami nang mismong marinig namin sa naging pasasalamat ni Sen. Pacquiao sa sambayanang Pilipino na kailangan niyang makauwi agad dahil marami pa siyang gagawing trabaho sa Senado.
Ibang-iba na talaga ang pagiging responsable ni Pacquiao bilang public servant, nararamdaman na namin ang kanyang sincerity sa paglilingkod sa bayan, ibang-iba na nga kumpara dati. Thus, we believe his being so responsible now and yes a very patriotic one dahil trabaho na para sa bansa ang iniisip niya.
‘Ramdam namin ngayon ang sinseridad ni Pacman!’
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...