Rody dedma nang tawagin na bastos

Leni-Robredo2

DEDMA lamang si Pangulong Duterte sa mga tumatawag sa kanya na bastos matapos niyang pagpiyestahan ang maiksing suot ni Vice President Leni Robredo kamakailan.
“You want to depict me as bastos? You can. Have your day. It’s not my concern to impose this standard kung ‘yan ang ano. Do not put a levitation or cast aspersion, sa mga biro ko kasi ako, hindi ako heneral, politiko ako,” ani Duterte bago tumulak papuntang Malaysia.
Sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng supertyphoon Yolanda sa Tacloban kamakalawa, sinabi ng Pangulo na pinag-usapan niya at ilang lalaking miyembro ng Gabinete maiksing damit ni Robredo.
“I do not stop being President just because I— Do not exact a standard for me. I will do what I say and I say what I do,” dagdag niya.
Ipinagtanggol din niya ang sarili kung bakit kailangan pa niyang ihayag ito sa paggunita ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
“Joke like those are nothing, unless umakyat ka sa tuhod hanggang dito. Then that could be in extreme bad faith,” paliwanag niya.

Bisita sa Malaysia

Kahapon ay tumulak si Duterte papuntang Malaysia para sa dalawang araw na official visit.
Aniya, dadaan muna siya sa Thailand para magbigay ng respeto kay King Bumibol Adulyadej.
Idinagdag ni Duterte na nakatakda siyang makipagpulong kay Malaysian Prime Minister Dato Sri Mohammad Najib bin Tun Abdul Razak.
“The focus of my visit shall be to strengthen the Philippines’ partnership in Malaysia for security and stability, these are the foundations of our nation’s peace process, progress, and prosperity,” sabi niya.
Pangunahin din sa agenda ng kanyang biyahe sa Malaysia ay ang maritime security at kampanya laban sa piracy sa karagatan.
Kabilang sa delegasyon ni Duterte sina Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronaldo dela Rosa at Sen. Alan Peter Cayetano.

Read more...