IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte na ituloy na ang proseso para sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
“Well, I saw Bongbong yesterday in Tacloban. Sabi ko, it’s your choice. Sabi niya na ano, same question with you, ‘Can we now proceed?’ ‘Oh, yes you can.’ I’ve said before. I will not take my word back,” ani Duterte bago umalis papuntang Malaysia.
Kasabay nito, iginiit ni Duterte na sinusunod lamang niya ang batas sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB.
“As a lawyer, I stick by what the law says. The law says that soldiers and ex-presidents, ‘yung namatay o maski hindi siguro ex, basta presidente ka, doon ka ilibing,” paliwanag niya.
Idinagdag ng Pangulo na karapatan ni Marcos na mailibing sa LNMB.
Aniya pa, ang korte ang magdedetermina sa mga krimen na nagawa umano ng dating Pangulo.
“That part of the sins of Marcos has yet to be proven by a competent court. ‘Yung sabihin lang niya nawala ‘yung pera, that is altogether another different issue,” sabi niya.
Duterte: Proseso ng Marcos burial ituloy
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...