Aktor na adik sa gym halos sambahin ang sariling katawan

BLIND ITEM MALE0423

MAY pagka-OA naman ang mga kuwento tungkol sa isang hunk actor na halos nakatira na pala sa gym.

Parang wala na raw panahon ang male personality para sa ibang bagay, basta palagi lang siyang nasa gym, ‘yun na ang itinuturing niyang bahay.

Kapag kinukuha siya sa mga shows sa malalayong probinsiya ay isa lang ang hiling niya sa promoter, kailangang sa isang hotel na may gym siya mag-stay, talagang sinasamba ng hunk actor ang kanyang katawan.

Kuwento ng isang source na nalulukresya rin sa pagiging gym buff ng aktor, “Parang wala na siyang pakialam sa ibang bagay, mula umaga hanggang gabi, e, ang katawan lang niya ang binibigyan niya ng attention.

“Kuha siya nang kuha ng picture ng abs niya, ng mga muscles niya, punumpuno ng pictures ng buong katawan niya ang lahat ng social media accounts niya!

“Grabe naman talaga ang ginagawang pag-aalaga ng lalaking ‘yun sa katawan niya, parang ‘yun na lang ang mahalaga sa kanya,” napapailing at namamanghang kuwento ng aming impormante.

Kumpleto siya sa mga kagamitan sa sarili niyang gym sa bahay, ‘yun talaga ang pinagkakagastusan niya, basta meron siyang pera ay agad na siyang bibili ng mga stuff para sa kanyang personal gym.

Patuloy ng aming source, “E, kumpleto naman ng mga gamit ang gym niya, pero sige pa rin siya sa pagpunta sa ibang gym. Kasi nga, gusto niyang ipagmalaki sa mga utaw kung gaano na kalaki ang mga muscles niya!

“Tuwang-tuwa kasi siya kapag pinupuri na ang katawan niya. Maghuhubad na siya agad, ididispley agad ang abs niya, para ngang sobrang sinasamba na niya ang body niya, e!

“Madaling hulaan kung sino ang hunk actor na itey, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, isipin n’yo lang ang isang magaling na banyagang player at sapul n’yo na kung sino siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...