FEELING pressured si Angeline Quinto everytime tinatanong siya kung kailan siya mag-aasawa. Lahat na lang yata ng interview niya ay hindi mawawala ang tanong tungkol sa paglagay sa tahimik.
“Kasi minsan dumarating ‘yung time na napapaisip ka like ako noong nasa US ako, naisip ko namatay ang father ko na hindi man niya nakita na may pamilya ako. Ayokong mangyari ‘yung ganoon kay Mama Bob (her adoptive mother). Na sana kapag nahanap ko na ‘yung totoong lalaki para sa akin, nandiyan pa siya,” ani Angeline.
At this moment, ang singer din na si Erik Santos ang nababalitang boyfriend niya. Inamin naman ni Angeline na marami na ang nang-aasar sa kanya na gustong maging ninang sa kasal nila ni Erik.
Nu’ng nasa US si Angeline kasama niya sa show si Erik. Doon daw nagkaroon sila ng time na makapag-usap tungkol sa personal nilang buhay.
“Napag-usapan namin talaga ay kung kailan niya gusto magka-family, ako rin ‘yung ganoon. Alam ko naman na gusto na niyang magkaroon ng sariling family. Ako naman po, minsan lang dumating ‘yung ganito, e,” malungkot na sabi ni Angeline.
In short, priority pa rin Angeline ngayon ang kanyang career more than her lovelife.
“Basta ang alam ko sinabi niya kapag nagkaroon siya ng baby, sana raw ‘yung nanay magaling kumanta. Ako naman, siyempre gusto ko ’yung tatay ng anak ko singer din,” lahad niya.
So, alam na kung sino ang magpapasaya kay Angeline na manonood sa concert nila nina Yeng Constantino, Kyla at KZ Tandingan na “Divas Live in Manila” sa Araneta Coliseum on Nov. 11, ha.
“Manonood siya (Erik) sa concert kung sakaling wala siyang corporate show. Siyempre mas mai-inspire ako sa concert kung nandoon si Erik at si Mama Bob,” kasunod ang matamis niyang ngiti.
This is the first time na pinagsama-sama ang mga bigating singers of this generation.
Mabuti na lang at ‘di naman naging problema ang billing ng apat na divas ayon sa producer ng concert, ang Cornerstone Concerts headed by Erickson Raymundo.