Paulo sa usaping kasal: Para sa akin kasi, hindi na kailangan ng papel o singsing!

paulo avelino

INAMIN ng Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino na hindi siya masyadong naniniwala sa kasal noon. Never daw niyang na-imagine ang sarili na ikinakasal.

“Sa akin kasi, parang it’s between you and your partner. Hindi kailangan ng papel or ng singsing. ‘Yun ang belief ko dati,” aniya sa panayam ng ilang entertainment reporter sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “The Unmarried Wife” with Angelica Panganiban and Dingdong Dantes under Star Cinema.

Pero ani Paulo, nag-iba na raw ang pananaw niya ngayong medyo nag-mature na siya, “I see myself now getting married but not anytime soon. It takes time to look for a partner, to wait for someone na darating na magiging okay ka. It takes time to build a relationship with someone. It takes time to finally decide that you’re getting married.

“I’m just really waiting for the right one. Kaya nga tayo naghahanap ng relationship, that’s why we date people, you continuously test people or your relationship if ito na nga ba, kung pang habangbuhay na.

Whenever naman I get into a relationship, I always consider that,” aniya pa.

“I always believe that a vow is a vow. Once you get married, pang habangbuhay na. I strongly believe na when you get married, ‘yun lang. Isa lang talaga,” sabi pa ng binata na nali-link ngayon sa isang model-entrepreneur na si Natasha Villaroman.

Read more...