Matutuloy ba sa Dubai?

Sulat mula kay Tiffany ng San Pedro, Toril, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Nag-aaplay ako sa abroad sa ngayon bilang isang sales lady nasa agency na po ang aking mga papeles at naghihintay na lang ako ng tawag para sa interview ng magiging employer ko. May tumutulong naman po sa akin yong pinsan ko na nasa Dubai at siya rin ang nagsabi sa akin na dumaan ako sa agency na siya rin ang nagbigay. Kaya lang medyo naiinip na po ako dahil dalawang buwan na akong naghihintay. Nais ko sanang itanong kung matutuloy kaya ako at kung matutuloy ako kalian kaya at kung nasa Dubai na ako magiging maganda kaya ang buhay ko doon? December 10, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Tiffany ng Toril, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin matutuloy ka pa rin sa abroad, pero siymepre dahil bago ka palang nag-aabroad o first time, kaya hindi maiaalis na medyo mainip ka talaga. Pero tiyaga-tiyaga lang at sa matiyagang paghihintay makikita mo mga ilang kembot pa, magiging positbo rin at papabor sa iyo ang mga pangyayari sa darating na mga araw.
Cartomancy:
Tulad ng inaasahan, ang Queen of Clubs, ang Ten of Hearts at ang King of Diamonds ay nagsasabing sa tulong ng pinsan mong kasalukuyang nasa Dubai, sa panahong din ito ng tag-lamig, mabilis na papabor sa iyo ang kapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy…

Read more...