SA harap ni Vice President Leni Robredo, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagpiyestahan niya at ng ilang miyembro ng kanyang Gabinete ang maiksing suot ng pangalawang pangulo.
“Nung una sa meeting, they arranged na magkatabi kami. Sabihin ko kaya Ma’am o? Hindi ka mag-ano? Kasi si Ma’am Leni, medyo shorter than usual ‘yung damit na ano ganun,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng pananalasa ng supertyphoon Yolanda sa Tacloban City.
Habang nagtatalumpati ay nakaupo sa entablado si Robredo na napapatawa na lamang sa mga pahayag ni Duterte.
“Siguro nahalata ng mga protocol officer kasi sige ako sa likod. Si (Finance) Secretary (Carlos) Sonny Dominguez naman, sabi ko, ang layo mo, dito tayo ‘lika sabi ko. Tingnan mo yung…tuhod ni… nung nahalata niya sige na siya…gusto ka sabihin, ‘Ma’am mag-shorts ka na lang kaya?'” dagdag pa ni Duterte.
“Bakit paiksi-iksi ka ng damit tapos…so ang ginawa ng gaging inulit nya hindi yung paganon so dito makikita mo man, binaliktad niya tapos nakaharap na doon. O wala nang view. So nung next, mga after three Cabinet meetings doon na siya sa harap ko,” patuloy pa ni Duterte na tinapos ang talumpati sa pag-awit ng “Malayo ang Tingin.”
Duterte at ilang miyembro ng Gabinete pinagpiyestahan ang maiksing suot ni VP Robredo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...