Zumba o tumba? | Bandera

Zumba o tumba?

Leifbilly Begas - November 09, 2016 - 12:10 AM

ITO ang nauuso nga-yong tanungan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Usong-uso kasi nga-yon ang zumba sa maraming lugar dahil sa pagiging health conscious ng maraming tao. Hindi lamang sa mga healthy food nakasentro ang pagbabantay sa kalusugan kundi sa ehersisyo rin.

Sa gitna ng pinaig-ting na kampanya ng gobyerno partikular ng Philippine National Police laban sa ipinagbabawal na gamot, maraming drug addict ang natatakot sa kanilang buhay.

Kaya marami ang pumunta sa himpilan ng mga pulis para umamin na sila ay adik. Akala nila hindi na sila babantayan kapag umamin kaya ang mga hindi tumigil ay napatay o nakulong.

Mas naging madali rin ang trabaho ng pulisya na tukuyin sila, dahil umamin na sila.

May mga humihika-yat sa mga adik na sumama na lang sa zumba session. Malaki umano ang maitutulong nito para maiwasan ang muling paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

At mas dumarami raw ang mga sumasali sa zumba sa mga lugar kung saan may mga napapatay. Ang mga pagpatay ay nagmimistulan umanong alarm clock ng mga adik para gumising at sumali sa pagsasayaw.

Dahil marami ang hindi nagbago mula ng magpa-tokhang, marami ang nahuhuli sa mga operasyon ng pulisya sa iba’t ibang drug den.

Bukod pa ito sa mga napapatay ng mga motorcycle rider, bagamat hindi naman lahat ay pinatay dahil adik.

Ngayon ay maraming kulungan ang siksikan na. Ang mga dalaw nila ay pumipila sa labas ng presinto dahil hindi naman maaari na sabay-sabay silang pumasok. Hindi sila kakasya at malamang ay hindi rin magkaintindihan dahil sa ingay.

At kapag ganitong siksikan, ang susunod dito ay ang pagkakasakit ng mga preso.

Mas mabuti pa ang kalagayan ng mga sardinas sa loob ng lata kasi sila naliligo sa tomato sauce, yung mga preso naliligo sa pawis. Umaalingasaw na rin ang mga kulungan dahil sa dumi.

Hindi naman maaari na lagyan ng malaking bintana ang mga kulu-ngan para makasingaw ang init.

Magiging sakit ng ulo ng mga pulis na mangangamba na matakasan sila.

Kasunod ng dumi ang pagkakasakit ng mga preso na maaaring mauwi sa pagkamatay.

Sa Batasan Police sa Quezon City, dalawang preso ang magkasunod na namatay.

Noong Nobyembre 5 ay namatay ang 43-anyos na si Michael Mamoto. Nobyembre 7 ng umaga naman ng namatay sina Jerson Maano at Marlon Mora, 31.

Ayon sa ulat ng pulisya, naisugod ang dalawa sa pagamutan subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang mga ito.

Namatay raw si Maano sanhi ng pulmonary tuberculosis. Nakakahawa ba yun?

Gaya ni Mamoto, nag-iba umano ang kulay ng balat ni Maano bago siya naisugod sa ospital.

Wala namang doktor sa mga presinto kaya mahirap matukoy kung sino sa kanila ang may nakahahawang sakit?

At kahit na ang mga pulis ay maaari ring mahawa sa mga preso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala rin namang budget ang mga istasyon para ipa-laboratory ang mga preso. Talaga naman, sakit na ang ulo ng nasa labas ang mga adik, kahit nakakulong na ay problema pa rin sila. Kaya dapat siguro, sila ay mag-zumba na lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending