Pinaghatian ng mananaya sa Maynila at Cavite ang P16 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola Linggo ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang mga nanalo ay tumaya sa Carlos Palanca st., Quiapo, at Imus, Cavite.
Sila ang nakakuha sa winning number combination na 11-24-21-28-7-14.
Nanalo naman ng tig-P9,600 ang 77 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P230 naman ang 2,476 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 25,942 mananaya na nakatatlong numero.
MOST READ
LATEST STORIES