Nabuntis ng Nobyo (2)

Sulat mula kay Isabel  ng Luyahan, Pasonanca, Zamboanga City
Problema:
1. Huli na ng malaman kong lolokohin lang pala ako ng boyfriend ko, kasi matapos na malaman niyang buntis ako ay bigla na lang siyang nawalan. Buti na lang at muli akong tinanggap ng mga magulang ko at nasa kanila ako sa ngayon at naghihintay ng aking kabuwanan sa darating na last week of December.
2. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya siyang bumalik, kasi bigla na lang siyang nawala at hindi na nagparamdam. Kung hindi na siya babalik may lalaki pa kayang magmamahal sa akin ng totoo at tapat sa kabila ng katotonang ako ay mapapabilang na sa m ga dalagang ina? Kung mayroon pa sino siya, kailan darating at saan ko makikilala? July 4, 1990 ang birthday ko.
Umaasa, Isabel ng Zambonga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi na babalik ang lalaking bumuntis sa iyo higit lalo kung siya ang unang boyfriend mo, dahil ang nakatakda sa mga Cancer ay mapapangasawa nila ang kanilang ikalawang boyfriend na may zodiac sign na Scorpio.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing namang ka-tugma mo ang mga lalaking isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, higit lalo kung sila ay laging nagususot ng kulay na berde at puti. Sa piling ng ganyang klaseng lalaki, makakasumpong ka na ng isang pang habang buhay at masayang pag-ibig.
Graphology:
Upang makasigurong hindi ka na uli mabibigo sa ikalawang pag-ibig. Wag mong lagyan ng bilog ang gitnang bahagi ng iyong lagda. Sa halip, tuloy-tuloy mo lang isulat sa direksyong pakanan, ang iyong pirma. Sa ganyang lagda, wala ng bilog at hindi na pumangit o naburara, magkakaroon ka ng isang maligaya at pang habang buhay na pakikipagrelasyon hatid ng isang may nitial na R.S.
Huling payo at paalala:
Isabel ayon sa iyong kapalaran, sadyang nakatakda na sa iyo ang maging dalagang ina, at dapat mo na itong tanggapin sa ngayon ng maluwag sa iyong kalooban. Kapag natanggap mo na ng maluwag sa iyong kalooban ang iyong sinapit, makikita mo sa taong 2018, tulad ng nasabi na sa edad mong 28 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio siya ang ikalawang magiging boyfriend mo at kahit na sabihin pang dalagang ina ka, papanagutan ka niya at siya na rin ang lalaking katakda mong makasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...