Pia, Bato nagsilbing lucky charm ni Pacman

pia wurtzbach at manny pacquiao

PATULOY pa rin ang pagbubunyi ng bansa sa pagkapanalo ni Sen. Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas nu’ng Linggo. Gumawa ng history si Pacman bilang senador na boxing champion.

Sa laban na ‘yon ng Pambansang Kamao, nasopla ang mga kritiko niyang nagsasabi na may edad na siya’t dapat nang magretiro sa boksing.

Kahit hindi knock out ang ginawa ni Pacman kay Vargas, malakas pa rin ang katawan niya’t hindi ininda ang malalakas na suntok ng mas bata sa kanyang si Vargas.

Spotted naman ang ilang artista nating sumuporta kay Pacquiao gaya nina Cesar Montano, Andre del Rosario at Geneva Cruz. Present din si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa. Pero talbog silang lahat kay Miss Universe Pia Wurtzbach dahil hanggang sa boxing ring at sa interview nito pagkatapos ng laban ay katabi ng Pambansang Kamao si Pia!

Sabi nga ng ilang netizens, parang sina Pia at Gen. Bato ang nagsilbing lucky charm ni Manny sa kanyang huling laban. Of course bukod pa iyan sa kanyang inang si Mommy Dionisia at asawang si Jinkee Pacquiao.

Naku, sa panibagong winning moment na ito ni Sen. Manny, malabo pang mangyari ang retirement na isinisigaw sa kanya. Hindi man kalakihan ang premyong nakuha niya sa laban kontra kay Vargas, malaking tulong na rin ‘yon para magamit niya sa kanyang proyekto bilang Senador.

Read more...