Nabuntis ng Nobyo | Bandera

Nabuntis ng Nobyo

Joseph Greenfield - November 07, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Isabel ng Luyahan, Pasonanca, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Huli na nang malaman kong lolokohin lang pala ako ng boyfriend ko, kasi matapos na malaman niyang buntis ako ay bigla na lang siyang nawala. Buti na lang at muli akong tinanggap ng mga magulang ko at nasa kanila ako sa ngayon at naghihintay ng aking kabuwanan sa darating na last week of December. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya siyang bumalik, kasi bigla na lang siyang nawala at hindi na nagparamdam. Kung hindi na siya babalik may lalaki pa kayang magmamahal sa akin ng totoo at tapat sa kabila ng katotonang ako ay mapapabilang na sa mga dalagang ina? Kung mayroon pa sino siya, kailan darating at saan ko makikilala? July 4, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Isabel ng
Zambonga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Isang biyak na ma-gulo (arrow 1.) at isang magandang makapal Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na.
Cartomancy:
Hindi na babalik ang una mong boyfriend na bumuntis sa iyo, ito ang nais sabihin ng King of Spades, larawan ng isang talipandas at malolokong lalaki (Illustration 1). Ngunit ang sumunod na barahang Two of Diamonds at King of Hearts (Illustration 1.) ang nagsasabing sa ikalawang pag-ibig na hatid ng isang lalaking mas matanda sa iyo ng dalawang taon na darating sa susunod na taong 2018, magiging maligaya ka na at pang habang buhay ka niyang mamahalin.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending