Horoscope, November 07, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pagiging maunawain ang susi ng kaligayahan. Unawain lagi ang mga kausap, sila din ang magbibigay sayo ng malaking kita. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkakagalit. Mapalad ang 1, 16, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — May malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Magtabi ng sapat na halaga para sa kinabukasan. Ngayon pa lang iplano na ang nalalapit na kapaskuhan – kailangang maging masaya ang buong pamilya. Mapalad ang 2, 11, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig, “It is wonderful to get the answer of prayers, but it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Pautangin ang mga nangungutang na marunong magbayad upang lalo ka pang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Pink at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyo. Unti-unti lang ang paggastos. Hindi kailangan ang pagkaing mahal na masarap, sa halip pagkaing mura lang pero masustansya ang dapat. Mapalad ang 7, 16, 29, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — May babala na ikaw ang mapapahamak dahil sa maling ginagawa ng mga mahal sa buhay. Sabihin sa kasuyo na huwag na rin siyang maangas at ma-epal. Itigil ang labis na pangungutang kung wala namang pambayad. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenam.” Gold at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Huwag mawalan ng pag-asa, darating ang panahong maka-kabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung may pagkukulang ang kasuyo ikaw na ang magpuno upang magtuloy-tuloy ang relasyon. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Beige at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Upang mas madaling umunlad ang buhay gumising ng maaga. Tapusin agad ang mga gawaing nakabinbin. Sa pag-ibig, wag paghintayin ang kasuyo, kailangang mauna ka sa inyong tagpuan. Mapalad ang 3, 15, 27, 39, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Dapat lang tumanggi kung alam mong wala ka namang ipapautang kaysa naman maapektuhan ang budget ng pamilya. Tumulong sa ibang paraan na walang kaugnayan sa pera. Sa pag-ibig, laging unahin ang hinaing ng kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 21, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasan ang maling relasyon upang hindi mapahamak. Sa pagiging tapat mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, wag sayangin ang salapi iwasang bumuli ng kung ano-anong gadgets na hindi mo naman kailangan. Mapalad ang 5, 9, 32, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Labis ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya madalas siyang magselos. Mamayang gabi, romansahin mo siya ng todo upang hindi na maghinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Halka-Om.” Purple at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita sa sarili mong halimbawa. Ikaw ang mag-initiate upang lalo pang tumamis ang pagtitinginan ninyo ng iyong kasuyo. Sa pinansyal ipakita sa kanila ang ehemplo ng masinop na pamumuhay. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yara-Om.” Red at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag ubusin ang salapi dahil sa pag-ibig, baka mabigo at lumuha ka na naman. Hayaan mong kusang dumating ang isang nilalang na isinilang sa sign na Gemini. Sa pinansyal, upang yumaman, mahalin ang bawat pisong nahahawakan. Mapalad ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Kris-Nah.” Yellow at black ang buenas
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung may mabigat na problema ituloy ang nakaugaliang pagdarasal, upang mabilis na umangat ang kabuhayan. Tandaang anoman ang uri ng probema, may “magic ang dasal”. At ang dasal bukod sa nakapagpapabalik ng relasyon ay nakapagpapayaman din. Dasal lang ng dasal at wag manghinawang tumag ng tumawag sa Kanya! Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.

Read more...