Palasyo ikinumpara si Pacquiao sa giyera ng gobyerno kontra droga

manny pacquiao

IKINUMPARA ng Palasyo ang ipinakitang determinasyon nina Sen. Manny Pacquiao at Nonito Donaire sa kanilang laban sa Las Vegas sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga, kriminalidad at korupsyon.

“Nagpapasalamat ang Palasyo sa hindi matatawarang suportang ipinagkaloob ng ating mga kababayan sa oras ng tagumpay at maging sa panahon ng pagkabigo ng ating mga boksingero,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar.

Ito’y matapos manalo si Pacquiao sa kanyang laban kontra Jessie Vargas, bagamat natalo naman si Donaire kay Jessie Magdaleno.

”Once again, Manny’s triumph united and brought joy to our people and our nation. The discipline, the determination, and the hard work of our People’s Champ are truly what make him a National Treasure in Global Sports,” dagdag ni Andanar.
Pinuri pa rin ni Andanar si Donaire sa kabila ng kanyang pagkatalo.
“This, however, would not diminish the honors he bestowed to the people and to the flag. He remains ‘The Filipino Flash’ with his quick hand speed and formidable punching power,” dagdag ni Andanar.
Sinabi pa ni Andanar na dapat na tularan ng buong bansa ang ipinakitang tapang nina Pacquiao at Donaire.
“The courage and grit displayed by our Filipino boxers in Las Vegas 
are the same qualities we must demonstrate as a nation to rid society of drugs, criminality and corruption,” sabi pa ni Andanar.
Ipinagmalaki pa ni Andanar na tagumpay ang gobyerno sa giyerna nito kontra droga, kriminalidad at katiwaliwan.
“Government has been successfully waging a war on these fronts and we as a people – emulating our boxers’ toughness against all odds — must continue the strong gains as we battle towards victory,” giit ni Andanar.

Read more...