Veteran actor tumanda na sa showbiz pero bobo pa ring umarte

BLIND ITEM MALE 0316

MAY pinagpipistahang male personality nu’ng minsan ang mga magkakaumpukang nagtatrabaho sa isang malaking network. Hindi bagets ang kanilang paksa, isang datihan nang artista, na hanggang ngayon ayon sa grupo ay hamonado pa ring umarte.

Ilang dekada na siya sa pag-arte, dumaan pa nga siya sa pagiging heartthrob nu’ng kanyang kapanahunan, pero nagtataka ang tropa kung bakit hanggang ngayon ay hamonado pa ring umarte ang lalaking personalidad.

Ang dami-dami nang nagbago sa buhay ng may edad nang aktor, nakakailang relasyon na siya, meron na rin siyang anak na nag-aartista.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Mas natuto pang umarte ang anak niya kesa sa kanya. Nu’ng bagito pa ang girl, e, hamonado ring umarte, pero dahil nagsikap ang anak niya, ayun, natuto na rin!

“Kung natuto ang anak, ang tatay naman, e, wala pa ring improvement! Ganu’n pa rin ang acting niya, ham na ham, para pa ngang sing-song kung mag-dialogue siya!

“Ano ba naman ‘yan? Hindi na siya natuto, e, halos dito na nga siya tumanda? Waley pa rin, ganu’n pa rin ang acting niya, pang-breakfast at pang-Christmas (read: hamonado)!” nagtataray na komento ng aming impormante.

Hindi raw naman umaabot nang maraming takes ang medyo nagkakaedad nang aktor, pero huwag ka nang umasa pa, dahil kung ano ang pag-arteng ipinakikita niya sa lahat ng ginagawa niyang eksena ay pare-pareho lang.

“Iisa lang kasi ang reaction niya sa lahat ng sitwasyon. Para siyang nakakulong na sa iisang school of acting. Magsama kaya sila sa pelikula nu’ng female personality na hamonada naman ang pag-arte?

“Natatakot, natutuwa, nagdadrama at iba pa, pero iisa lang din ang reaction ng babaeng ‘yun! Bagay na bagay silang dalawa! Swak ang acting nila, sa totoo lang!

“Kilala n’yo kung sino ang ham actor na ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, meron siyang anak na maganda, pero kilalang-kilala naman sa kamalditahan!” pagtatapos ng aming source.

Read more...