Leyte Mayor Rolando Espinosa nanlaban sa loob ng kulungan, patay

espinosa at dela rosa 0803

 

PATAY sa loob ng kulungan si Albuera, Leyet Mayor Rolando Espinosa Sr. matapos umano itong lumaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa loob ng Leyte sub-provincial jail Sabado ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na mga ulat, nakipagbarilan umano si Espinosa at Raul Yap sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern Leyte (CIDG8) dahilan para mapatay ang dalawang detenido.

Isisilbi umano dapat ng mga operatiba ng CIDG8 ang dalawang arrest warrant sa alkalde nang mauwi ito sa barilan.

“Detectives of Northern Leyte CIDG8 led by PCI Leo Laraga together with RMU8 as participating unit implemented two search warrants inside the Sub-Provincial jail at Brgy. Hipusngo, Baybay City, Leyte in which a firefight ensued between the suspects (subject of the search warrant) and the CIDG8 operatives that resulted [in] the [deaths] of the said suspects namely: Rolando Espinosa and Raul Yap,” ayon sa ulat.

Ayon kay Albuera, Leyte Police Chief Juvy Espinido, nagtungo ang  CIDG operatives sa kulungan para isilbi ang warrant of arrest for illegal possession of firearms, nang tumanggi sumama ang dalawa, at mang-agawng baril at makipagbarilan alas-4 ng madaling araw.

“The raiding team is now securing the crime scene and waiting for the SOCO-8 to arrive for processing the crime scene,” dagdag pa ng ulat.

Una nang kinasuhan ang alkalde ng possession of drugs at unlicensed firearms matapos salakayin ang kanyang bahay at marekober dito ang mga 11.5 kilo ng shabu, mga bala at baril.

Bago ito ay humingi si Espinosa ng tulong sa PNP national headquarters at nagpasailalim sa kustodiya nito dahil sa takot para sa kanyang buhay at anak na si Kerwin, na sinasabing isa sa pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas.

Naaresto si Kerwin sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates  at nanatili sa UAE habang iniimbestigahan ang kanyang kaso na may kinalaman sa droga.

Read more...