Enzo Pineda Kapamilya na, pasok agad sa serye ng JaDine

ENZO PINEDA

ENZO PINEDA

MAS MAPUPUNO ng kilig ang bawat gabi ng mga manonood sa pagpasok ng bagong Kapamilya na si Enzo Pineda sa ABS-CBN primetime series na Till I Met You. Yes, tuluyan nang nilayasan ni Enzo ang GMA 7 at lumipat na nga sa Kapamilya Network.

At bongga dahil pasok agad siya sa pinag-uusapang teleserye ngayon sa primetime, ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

Gumaganap si Enzo bilang si Stephen, isang anak ng heneral na may misyong gawing tunay na lalaki si Ali (JC Santos).

Nasorpresa at natuwa ang mga tagasubaybay nang mapanood ang young actor sa ABS-CBN, kaya naman naging usap-usapan sa social media ang kanyang unang paglabas sa serye. Inaabangan din ang magiging papel ng kanyang karakter sa buhay ni Ali, na ngayong nga ay sawi pa rin sa pag-ibig.

Samantala, patuloy pa ring kinukumbinse ni Basti (James) ang kanyang asawa na bumukod na mula sa poder ng kanyang biyenan na si Cassandra (Carmina). Ngunit dahil sa pangangailangan ng ina, hindi pa ito magawang iwan ni Iris (Nadine), dahilan naman sa hindi nila pagkakasundo ng kanyang asawa.

Ano na nga kaya ang magiging desisyon nina Iris at Basti? Masabi pa kaya nila kay Cassandra ang plano nilang pagbukod? Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...