Angelica: Mukha lang akong mataray pero babaeng-babae ako pag nagmahal!

angelica panganiban

 

BILIB na bilib si Angelica Panganiban sa passion and dedication ng “The Unmarried Wife” director niyang si Maryo J delos Reyes.

“Mahigit 40 years na siyang gumagawa ng pelikula at mga serye. Siguro kahanga-hanga ‘yung ganoon ka na katagal na dedicated sa trabaho mo. Nakikita namin sa set kung paano dahil hindi siya napapagod magpuyat,” say ni Angelica.

“Si direk, ano, eh, siya ‘yung kumikilos talaga sa lahat. Nakikita mong siya mismo ang lalapit sa ‘yo, siya ang mag-a-approach sa iyo. Hindi siya ‘yung (tipo) na sabihin mo kay ganito. Nag-e-effort talaga siya. Nakakabilib na hindi siya ‘yung tipong hayaan mo na lang sila. Hindi siya ganoon. Tutok siya,” dagdag pa ng dalaga.

When it comes to love, natanong ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz kung paano siya magmahal. Gagawin din ba niya ang ginawa ng character niya sa movie nila nina Dingdong Dantes at Paulo Avelino.

“Noong una, siyempre ita-try mong kausapin kasi sa pagkakakilala ninyo ay mukha lang talaga akong mataray pero kapag nagmahal ako, ako ‘yung ano…mas maintindihin ako. Ako kasi girl ako, bababeng-babae kumbaga.

“Siyempre ita-try mong kausapin pero talagang ide-deny naman kahit nakita mo na talaga. Kaya noong mga huli ay tumahimik na lang ako. Hinintay ko na lang na mapagod ako,” say ng dalaga.

“Yung katangahan, matatapos din ‘yan, may hangganan ‘yan. Walang forever. Hindi, may forever. Puwede ka namang magmahal kahit hindi ka niya mahal, mahal mo lang,” say pa niya.

When asked if she sees herself being married, the actress said, “Wala pang makakapagpaniwala sa akin na kaya kong isurender lahat at pagsisilbihan ko siya habang buhay.”

“Siguro nasa stage ako na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko ang sarili ko, mamahalin ko muna ang sarili ko. Kaya hindi ko nakikita na ide-dedicate ko ang sarili ko. Hindi ko pa siya kayang ibigay nang buong-buo,” dagdag pa niya.

Read more...