AS IN every Saturday sa kolum naming ito’y pinaaabangan namin ang lagi na’y espesyal na episode ng Ismol Family na napapanood tuwing Linggo. Lunes pa lang ay kinakalampag na namin si Ms. Marian Domingo, ang maganda at mabait na tauhan ng GMA CorpCom from whom we obtain the weekly program info.
Na-bother lang kasi kami nang isulat ng isang kasamahan (hindi rito sa Bandera) ang tungkol sa umano’y pagbabu na sa ere ng nasabing sitcom nina Carla Abellana at Ryan Agoncillo.
All the more disturbing ang ‘di pag-reply sa amin ni Marian despite our repeated text messages (nasa Japan pala siya).
Hindi sana totoong Ismol Family will go off air. Kung sa kalabang sitcom din lang na may parehong tema tungkol sa pamilya, ‘di hamak na mas matino, mas pulido at mas engaging panoorin ang kina Carla at Ryan. Idagdag pa ang kuwelang presensiya ni Ms. Carmi Martin and the other cast members.
Wala namang problema sa ratings at commercial load, so why let the sitcom go?