NASAWI ang tatlong-taong-gulang na kambal sa sunog sa isang subdivision sa Cebu City kahapon ng umaga.
Naitakbo pa sa ospital ang dalawang bata subalit hindi na naisalba ang kanilang buhay ng mga manggagamot. Pinaniniwalaang na-suffocate sa usok ang mgs biktima. Sumiklab ang apoy alas 2:55 ng madaling araw sa dalawang palapag na bahay ng pamilya Myat sa Acacia Place Subdivision. Ayon sa ulat, nagawang makatalon ng ina ng mga bata mula sa terrace ng master bedroom. Natagpuang walang malay sa CR ang kasambahay ng pamilya. Nasa maayos na itong kalagayan.
Alas 4:04 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang sunog. Posible umanong nagmula ang apoy sa tuloy-tuloy na paggamit ng aircon.
MOST READ
LATEST STORIES