True ba, Arci Muñoz walang utang na loob sa dating talent manager?

arci munoz

SA SHOWBIZ, one of the most feared yet most loved personalities si Annabelle Rama. If she’s perceived to be a worst enemy by some, for most people na huli na ang kiliti ng feisty showbiz mom ay tamang pakikibagay lang ang kanyang katapat at magkakasundo kayo.

Tita A, as she’s fondly called in showbiz circles, doesn’t start a fight. Huwag na huwag kang magkakamaling umpisahan siya ng away as you won’t see the end of it.

Lalayo pa ba tayo sa mga taong nasampolan ng tabas ng kanyang bibig? She spares no one, not even her child kung siya’y nasa katwiran. At kung sinuman sa kanyang mga anak is at the receiving end of her wrath, eh ‘di lalo na ang kumalas niyang alagang si Arci Muñoz.

Maraming ispekulasyon tungkol sa kung ano ang tunay na dahilan ng paghulagpos ni Arci from Tita A’s managerial arms, from the flimsiest to the most bizarre na maaaring isipin ng tao.

But valid or not valid, makatwiran man o hindi ay nasasapawan ‘yon ng usapin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob na iginagawad sana ni Arci sa isang mahalagang tao sa kanyang career. It can be Annabelle Rama or anybody.

Mabibilang lang naman ang mga aktibong artista who have kept their managers mula noong mag-umpisa sila magpahanggang ngayon. No manager-talent relationship has withstood time, pasasaan ba’t mabubuwag ito kalaunan.

Hindi man forever ang propesyunal na relasyong ito, naibasura man ang mga magagandang bagay na pinagsamahan n’yo, but must hurting words be spoken? Hindi ba puwedeng magpasalamatan na lang dahil nagkatulungan naman noon?

And the next best step is keep your mouth shut.

Read more...