FLASHBACK FRIDAY AKO BA ‘TO?

JODI STA. MARIA

JODI STA. MARIA

SI Jodi Chrissie Garcia Santamaria o mas kilala bilang Jodi Sta. Maria ay unang nakilala sa ABS-CBN TV series na Tabing Ilog.

Naging bahagi siya ng Star Circle Batch 7. Noong nag-aaral pa lang ay aktibo na siya sa extra-curricular activities tulad ng volleyball at debate. Nag-aral siya sa De La Salle-Dasmariñas taking up Medical Biology na kasalakuyan niyang tinatapos.

Although marami na siyang teleseryeng nilabasan, tulad ng Gimik, Noah, 100 Days To Heaven at Tayong Dalawa, mas nakamit niya ang rurok ng kasikatan sa seryeng Be Careful With My Heart bilang si Maya dela Rosa and most recently kinilala siya internationally matapos ma-nominate bilang Best Actress sa International Emmy Awards para sa pagganap niya bilang Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo. Sa darating na Nob. 21 gaganapin ang awards night.

Mag-isa niyang binubuhay ngayon si Thirdy, ang anak nila ng estranged husband na si Pampi Lacson.

Read more...