RAMDAM na ramdam namin ang excitement ni Megastar Sharon Cuneta sa mga social media post niya recently.
Marami kasing gagawin ang singer-actress sa mga susunod na linggo, iyan ay kung matutuloy nga ang mga pinagsasabi niyang projects na naka-line up para sa kanya.
Sey pa ni Mega baka raw maging opener sa 2017 ang bagong TV project niya. Anytime soon din ay makikipag-meeting na siya with direk Cathy Garcia-Molina at iba pang Star Cinema bosses to discuss her comeback movie.
May mga nag-aakala na dahil si direk Cathy ang magdidirek ng pelikula ni Sharon, ay makakasama sa proyektong ito sina Liza Soberano at Enrique Gil lalo pa’t naikuwento din ni Shawie na excited siyang makatrabaho ang isang sikat na love team.
Well, kahit ano pa man ang mga projects na gagawin ni Sharon, the fact remains na may mga equally excited din gaya namin na gusto uli siyang marinig kumanta, umakting sa big screen at magdrama sa teleserye.