Horoscope, November 04, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Kung alam mong nasa panig ka ng tama, ipaglaban mo! Kung mali ang ginawa nila, hindi ka dapat matakot na kumontra. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay may kakaibang sarap na madadama. Mapalad ang 1, 8, 23, 30, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal, sa isang pagtitipon ay imbitahan ang mga kaibigan at mag-isip ng paraan kung paano mo sila matutulungan at pagkakakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Libra, masarap siyang rumomansa kaysa sa iba. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Mukhang napapabayaan mo na ang iyong itsura! Ituloy ang dating pagpapaganda upang magtuloy-tuloy rdin ang suwerte at magandang kapalaran. Tandaang “ganda” ang susi ng iyong tagumpay at wagas na ligaya. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Bukod sa pula mapalad din ang green.

Gemini – (May 21-June 21)—Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, mag-ipon ng maraming pera para sa muli ninyong “pagde-date” ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tanging tadhana lamang ang makapagsasabi kung may ligaya pang naghihintay! Ngunit hindi dapat malungkot, may isang Virgo na naghihintay sa iyo, wag ka ng umarte-arte pa— sunggab agad ang dapat! Sa pinansiyal, di baleng gumastos, basta ito ay para sa ikaliligaya. Mapalad ang 1, 9, 18, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Red at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Hindi dapat mabahala, parating na ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, magpasalamat sa kasuyong galante, makakatikim ka na naman sa kanya ng mamahaling regalo. Suwerteng pang-exchange gift ang coffee mug. Mapalad ang 5, 17, 23, 33, 41 at 46. “Aum-Gayatri-Om.” White at old rose ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat kagalitan ang mga tatanga-tanga, napaghahalata tuloy na ikaw man ay may makitid na kaisipan. Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita mo sa sarili mong halimbawa. Sa pag-ibig, isang isinilang sa buwan ng Enero ang may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yara-Salvame-Om.” Red at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May magte-text, isang misteryosong nilalang na nagkakagusto sa iyo na ayaw magpagkilala. Wag mo “replayan” para lalong manabik. Sa pinansyal, imbes na ubusin ang oras sa pagpe-Facebook, mag-isip ng pagkakakitaan ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 25, 29, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Ketu-Mandala-Om.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Labis lamang ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya nagiging matampuhin, lambingin mo upang mawala na ang kanyang sumpong. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Halka.” Beige at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—May bababala ng karamdaman, pahinga muna ang dapat! Maglibang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook. Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala baka mahulog ka na naman sa kaimmoralan. Mapalad ang 3, 8, 15, 26, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Puranha-Om.” Maroon at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag masyadong magparami ng salapi! Hindi mo ‘yan madadala sa langit! Masarap matulog sa kawayang papag na payapa ang kalooban kesa sa kamang malambot na maraming iniisip. Sa pag-iibig, hindi matutumbasan ang pagmamahal na inuukol sa iyo ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om.” Pink at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag masyadong abusuhin ang katawan sa mga bagay na hindi naman nakatuon sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas magiging masigla ang aksyon kung bago magniig ay hihigop muna ng mainit na sabaw. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon pa lang ay iplano na ang gagawin sa 13th month pay. Sa halip na ubusin sa walang kapararakang paggasta, ilagay ito sa proyektong pagkakakitaan. Sikaping unawain ang kasuyong Cancer at kumbinshin na rin siyang magtipid-tipid ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 2, 7, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nariva-Om.” Blue at gold ang buenas.

Read more...