May forever kaya kina madam official, local politician?

DUE to insistent public demand ay narito ang part 2 ng ating kwento tungkol sa hindi pa rin umaamin pero matagal ng mag-sweetheart na government officials.

Si Mr. B na isang pulitiko mula sa isang lungsod sa Metro Manila ang dahilan kung bakit nakakuha ng magandang opisina sa kanyang lungsod si Madam R na matagal na niyang kasintahan pero hanggang ngayon ay secret daw muna sa mata ng publiko.

Si Mr. B ang nag-broker sa mayor ng lungsod kaya napapayag ang city council na sa isa sa kanilang mga gusali mag-opisina si Madam.

Noong una ay may ilang konsehal ang tumutol sa plano pero nang magsalita na si Mayor ay wala na silang nagawa kundi manahimik na lamang.

Nagsisilbi kasing tambayan ng buong konseho ang nasabing gusali na maikukumpara sa mga mamahaling hotel sa Boracay.

Nabanggit na natin na open book na sa kanilang inner circle ang kwento mg kanilang matamis na pagtitinginan.

Pati ang mga anak ng lady politician ay walang tutol sa bagong BF ng kanilang ina dahil sa husay naman talagang makisama ni Sir.

Sinabi rin ng ating Cricket na magkasama ang lovebirds nang minsang magtungo sa U.S si Madam para sa isang official mission.

Mas lalo raw lumalim ang pagtitinginan ng dalawa sa mga ganitong uri ng pagkakataon, ayon pa sa ating Cricket.

Alam na rin ng mga kaanak ng namatay na mister ni Madam ang nasabing kwento pero mas minarapat na lamang nilang manahimik.

Alam kasi nila na kapag sila’y nagsalita sa isyu ay baka mahukay ang isang lihim na kanilang pinakaiingatan.

Sinabi ng ating Cricket na may ibang pamilya ang namatay na asawa ni Madam at ingat na ingat sila na ito’y malantad sa publiko dahil sa iniingatan nilang pangalan at legacy ng namatay na pulitiko.

So ngayon ay alam n’yo na kung bakit sa kabila ng pwede naman silang lumantad ay mas pinili ng dalawa na manahimik na lamang sa isyu?

Bukod pa rito ang sinasabing mataas na political ambition ng babaeng pulitiko sa ating kwento.

May forever kaya sa dalawang ito?

Read more...