IBINANDERA na ni Sunshine Cruz sa buong mundo ang tunay na relasyon nila ng kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay.
Diretsong sinabi ng aktres na totoong may lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya, “Yes, I am happy now. Masaya ako at masaya ang mga anak ko para sa akin,” ani Sunshine sa panayam ng Magandang Buhay kaninang umaga.
Sabay na nag-guest sa morning show ng ABS-CBN sina Sunshine at Ara bilang magkaibigan na parang magkapatid na ang turingan.
Kuwento pa ng estranged wife ni Cesar Montano tungkol sa pagsisimula ng kanilang love affair ni Macky, “Once in a while, I would open my direct message on Instagram kasi may mga online shops na gustong magpadala ng products so, hindi ko naman siya fina-follow so lumalabas siya ‘dun sa idedecline or i-aaccept as friend.
“So sabi sa kanya (Ara), sis, may kapatid ka bang ganito? ‘Oo, bakit?’ ‘Nag-message sa akin oh!’” kuwento ni Sunshine. Agad naman daw tinanong ni Ara ang kapatid kung siya nga ang nag-message kay Shine.
Nang makumpirma na niya na kapatid nga ng kanyang kaibigan si Macky, nagpadala na rin siya ng mensahe rito.
Ayon naman kay Ara, nagulat siya sa ginawa ni Macky dahil kilala niya ito bilang mahiyain, pero gentleman naman daw ang ito.
Sa pamamagian ng telepono, inamin ni Macky na matagal na niyang crush si Sunshine. Paglalarawan pa niya sa aktres, “Hindi ko akalain na mayroon pa pa lang katulad niya na babae.”
Dagdag pa niya, “Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na madaling magsabi ng mahal kita pero ang ipa-promise ko na lang sa kanya ay araw-araw ko pa rin siyang liligawan.”
Narito naman ang naging reaksiyon ni Sunshine, “Pagbigyan mo na muna ako ngayon when I tell you maraming, maraming salamat for being there with me. I’m just so grateful and happy na sinagot ko ‘yung message mo sa akin kaya ngayon, masaya si Sunshine.”
MOST READ
LATEST STORIES