May orasyon ba para yumaman?
Sulat mula kay Abrahain ng Bagolatao, Minalabac, Camarines Sur Dear Sir Greenfield, Maganda na sana ang buhay namin noong kagagaling ko lang sa abroad, ang kaso nahikayat akong magnegosyo ng bayaw ko ng talyer at mula noon, nakasimot-simot ang kabuhayan ko. Nakabili pa ako dati ng pampasaherong jeep, pero naibenta ko rin at pati bahay at lupa namin na kasanla na ngayon sa bangko. Halos wala na kaming maipanghulog sa mga utang at yong bayaw ko bigla na lang naglaho ng marami ng niningil sa amin. Nais kong makabawi at muling umunlad ang aming kabuhayan, ano po ba ang dapat kong gawin? May alam ka bang orasyon upang yumaman, kung may roon maaari mo ba akong pakitulungan upang mabigyan ko naman ng magandang kinabukasan ang aking mga anak? October 17, 1970. Umaasa, Abrahain Camarines Sur Solusyon/Analysis: Palmistry: Huminto kasi ang Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, pero wag kang malungkot dahil mula naman itong gumuhit paitaas at nagpatuloy sa ibang direksyon (arrow 2.). Ibig sabihin sa malapit na hinaharap muli kang magkakaroon ng regular na hanap buhay pero hindi na ang dati o ang kasalukuyang negosyo kundi iba naman. Cartomancy: “Malas sa buhay mo ang iyong bayaw, ganon din silang may kulot na buhok at sakang kung lumakad,” – ito ang nais sabihin ng barahang Jack of Spades (Illustration 1). Subalit suwerte naman sa iyo ang matataba o chubby na mga babae, na ito naman ang nais namang sabihin ng Queen of Diamonds (Illustration 1.) tulad ng iyong misis kung ganyan ang kanyang pigura ng katawan. Habang ikaw naman ang larawan ng King of Clubs (Illustration 1.) ibig sabihin kapag hindi ka nang hinaan ng loob at patuloy na lumaban sa mga problema ng buhay, sa bandang huli ikaw ay mananaig at tuloy-tuloy ng yayaman. Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
